flashback friday: the diary series, random entry #1

i stumbled upon my fourth year high school to first year college diary and thought of sharing some of the entries that made me either laugh or cry so hard.

the following entry from my first semester as a freshman college student made me cry from start to end. i wanted to time travel and pinpoint the exact moment when i was writing this. i wish i could hug her and assure her that things are only going to get better.

to my past self, if you ever stumble upon this post from the future, congratulations! you made it through everything. i don’t want to spoil you with details, but trust me and just keep the faith. aja, aja, fighting!

september 3, 2001

haay… halos isang semester na pala ako dito sa peyups. tatlong buwan nang sumasakay sa jeep na ikot, toki at philcoa. tatlong buwan na nakikisuno sa wheels ni aloi kasama ang mga blocmates ko. aba, halos tatlong buwan na din pala kami ni mahal.

tatlong buwan na halos hindi ko napansin.

nitong nakaraang biyernes, halos isumpa ko ang mundo. pakiramdam ko nawalan ako ng pagkatao matapos ang interview ko para sa isang org. wala akong nagawa kundi umiyak. napaisip ako kung bakit ako nagpapakahirap nang ganito.

kagabi, parang ayoko nang matulog kasi ibig sabihin luluwas na naman ako kinabukasan. masaya kami ng kuya ko kahapon. nami-miss ko yun. pati na ang pangungulit nina inay at tatay tungkol sa mga nagyayari sa akin dito sa up.

kaninang madaling araw, nasiraan ang bus na sinasakyan ko. halos isang oras akong tulala habang ginagawa ang makina ng bus sa sta rosa, laguna. naisip ko hindi na ako aabot sa unang klase pero ayos lang. naalala ko kasi na wala pa akong assignment.

habang nakasakay naman ako sa bus papuntang philcoa kanina, tatlong beses akong muntik na mahulog. dalawang beses akong nasalo ng mama sa likod ko pero nung pangatlong beses hinayaan na nya akong magdausdos hanggang sa likuran ng bus. jologs! hindi naman gwapo. feeling!

haay… napaisip na naman ako kung bakit ganito ang buhay ko. biruin mo tatlong buwan na pala akong nagmamadaling makauwi nang maaga tuwing sabado para lang makatulog sa kama ko sa batangas. tapos sakripisyo tuwing lunes para lumuwas nang madaling araw.

napapaisip ako bakit parang di ako nauubusan ng dapat basahin, gawain, aralin, isipin… bakit ko ginagawa lahat nang ito e pwede namang matulog na lang ako? magbungtong-hininga… magbaliw-baliwan…

hindi ko lubos maisip na nabuhay ako nang malayo sa sarap ng buhay kapiling ng aking pamilya at malapit sa mga lugar at taong nakasanayan ko na. hindi ko inakalang matitiis ko ang lungkot. ilang gabi din akong umiiyak hanggang sa makatulog. masasaya ang mga panaginip ko–kabaliktaran ng buhay ko dito.

pagod na ako pero di ko din kayang iwan ang peyups. hindi ako susuko. bawat sakay ko sa ikot at toki, pagtitis sa mga profs, pagpigil sa kalungkutan… alam kong matatapos din lahat ito. kasabay nun ang pag-abot ko sa aking mga pangarap. magkakatrabaho ako at mapapaginhawa ko ang buhay nina inay at tatay.

tapos pwede na naming tuparin ni kim yung iba pa naming mga pangarap nang magkasama. yayakapin nya ako hanggang makatulog. at hindi ko na iindahin ang walang katapusang tatlong buwan na dadaan sa aking harapan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s