the notebooks

some weeks ago, i was going through piles of college stuff to look for portfolio materials. sabi kasi ni mama jops dapat daw meron akong portfolio, hehe. nga naman. karamihan e mga articles mula sa interpretative class ni sir teodoro (matatamis na alaala) ang nahukay ko. at mga murdered papers at layout sa editing class ni mam chua (eto naman yung mapapait.)

notebook #1:
notebook ko nung first year. kulay purple. the cover says: lefties rule. freshman pa lang, gumagawa na ng statement. hehe. pero pangkaliwete talaga siya kasi gusto ko talaga maging kaliwete.

hindi siya gaanong exciting dahil wala na yung pages na may mga sulat. may nakita lang akong nakasipit dun na picture ni olsen racela at yung mga articles ni ice sa love mush ng kule.

notebook #2:
notebook ko nung 3rd year, 1st sem. kulay red. may poging-poging picture ni tom welling sa likod ng cover at anime drawing ni jerry yan (c/o pappi kim) sa 1st page. hehe.

cover says: communication: the more we elaborate our means of communication, the less we communicate. ~j.b. priestley

dito ako pinakanatawa.

sa tabi ng sked ko may nakalagay na: lahat ng subject ko this sem ay may subtitle na readings!!! :( ito kasi yung sem na meron akong chua, cw100, cr101, mam ellen, jiang wei, f111 at sir jorda! ito din ang sem ng pep squad days kaya heiggardness talaga.

tadtad ng “inaantok ako” at “ayaw ko nang mag-aral,” hehe. madami ding mga side comments sa profs at classmates. di ko na sasabihin kung anu-ano kasi delikado. hehe.

may mga notes na date at subject lang ang nakalagay tapos sa ilalim may nakasulat na “absent ako kasi sick ako.” meron namang nakasulat na basta lang “absent ako” o kaya “tinatamad akong magnotes” at “wala si sir!” meron ding “no class!” grabe naramdaman ko ang saya ko nun, hehe.

may nakasulat ding mga hinanakit sa profs. tulad nung minsang may prof na nagsabi sa class namin na may gap daw ang learning namin. meron ding ganito: “parati na lang akong tinatawag sa recitation, wala naman akong maisagot.” hehe.

may mga tala din ng galit sa mga classmates na kung saan-saan iniiwan ang kopya ng mga readings kaya sila lang ang may kopya pagdating ng klase.

madami ding quotes mula sa mga profs. “all life is an experiment.” sabay may side comment pa na “yes, he is making quotes of his own.” haha.

napakagulo ng notebook na ito kahit pa may note pang “acad mode. mas maayos na notes sana.” haha.

notebook #3:
eto naman, nung 4th year, 1st sem. cattleya na may pink fluffy cover. may neo print ng CIA (cy, ice, almi).

puro lines mula sa lyrics ng mga kanta sa top margins. may mangilan-ngilang drama: pakiramdam ko kapag bad trip ka sa acads, bad trip ka na din sa’kin… -081604 damdamin. hehe.

may mga hapi b-day at hapi monthsy sa ilang mga dates. may mga “no class,” “tinatamad akong magnotes” at “wala si sir” pa rin. meron pa ding: “favorite talaga ako ni ma’am. absent na nga ako last time pero ako pa rin ang una niyang tinanong about the assigned reading.” some things don’t change. hehe.

ang nakakatawa sa pi100 class namin ni cy. tinawag ako ni sir e di ako nagbabasa ng readings nun. aba ang lakas nga naman ng loob kong sumagot ng “sir, di ko pa po nababasa.” haha. july 17, 2004 yun! simula pa lang ng sem, tamad na ako. hehe.

may mga quotes pa din mula sa mga profs at sa kung sinu-sino:
“we were made to be destroyed.” – ma’am paz, 072304
“in UP, copyright means the right to photocopy.”
“mukha na kayong mag-asawa.” – amy, 081206
“don’t let doubts kill the magic of love. don’t lose that person who has the magic to make you fall in love.” – 2978 (globe)
“why hold on to something that is over?” – lex to lana, 080304
“pumasok ako ng hindi nagtutoothbrush, yuck!” – me to cy, j151 class, 091104 (haha)

malinis ang notebook na ito. pero sobrang liit ng sulat ko.

notebook #4:
ang huling notebook ko sa kolehiyo. huhu. cattleya din. front cover: pic ni kim c/o my j123 class. back: pic ko, j123 din. may neoprint din naming dalawa. sa tabi ng sked namin ni kim, may sked nina cy at ice (thesis mode.)

lagi akong may kadaldalan sa lahat ng class ko nun. hindi talaga ako nagno-notes. minsan pumapasok ako ng walang notebook. sa pagkakatanda ko, madalas din akong absent nun pero walang ebidensya sa mga notes ko (wala nang “absent ako.” hehe.).

eto ang panalo. sa notes ko sa psych155 biglang may singit: catholic church approves condom use. balita ng prof ko. hehe.

malinis din. medyo boring, o baka naging seryoso lang ako? hehe.

ayun. namiss ko na naman tuloy ang buhay estudyante. namiss ko ang pagno-notes. pag sinesermunan tuloy ako ng nanay ko parang gusto kong kumuha ng notebook at ballpen. hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s