berrrr months

malapit na ulit ang pasko. (wui, malapit na din ang fair! hehe.) una kong naramdaman na papalapit na sya, bandang september, nung nag-umpisa akong tamarin sumabay kina ate sa pagluwas. around 2:30 a.m. kasi sila umaalis, meaning i have to be up by 2 a.m. pero dahil ginawin akong tao e nahihirapan na talaga akong lumuwas ng ganung kaaga kahit pa P70 lang ang ibabayad ko sa pamasahe (sagot ni ate yung around 41% ng pamasahe ko. hehe. daig ko pa ang mga estudyante, 20% lang ang discount nila. haha.) at mahirap para sa’kin ang tumanggi sa ganung offer ha. yeah, i can be that kuripot. hehe.

to be fair, accurate sya magparamdam ha. septemBER.

at sunud-sunod na nga ang mga pagpaparamdam niya. una, naging parusa sa’kin ang maligo tuwing sabado dahil sobrang lamig dun sa amin sa lipa. at ang tubig namin e parang galing sa refrigerator. though, malamig lang sya kung ipanliligo mo o ipanghihilamos at ipanghuhugas mo ng kamay, paa, etc. pero hindi sya malamig kung iinumin mo. hehe. siguro hindi na rin ako sanay. dati pinagtatawanan ko lang yung mga bakasyunista/o kong pinsan na nagmemeditate muna bago maligo pag andun sila sa bahay ng lola namin. at tuwing summer yun ha. ngayon alam ko nang may kalamigan talaga sa amin. lalo na pag ber months na. at napatunayan ko ding may mga lugar na parang summer pa din kahit christmas season na.

ikalawa, nagsimula nang ma-delay ang mga tao. hehe. oo, ganun daw pag malamig e. sabi ni jem, na bopren ni cy. nung una di ko alam kung paniniwalaan ko kasi mula sa isang mechanical engineering student? hehe. pero nung na-delay na din si kate. parang naniwala na din ako. hehe.

tapos nung monday, aba may christmas bazaar dito sa congress. nakalimutan ko ngang sabihan si ice e. hehe. ang nakakatawa parang hindi ako masaya. (nakakatawa pero hindi ako masaya. hindi lahat ng tumatawa ay masaya.)

[sumabay ako kay christopher, officemate ko, pauwi dahil may car sya. nung papalapit na sa gate napansin niya yung mga tiangge.]

chris: ui, may tiangge! (wide-eyed. really excited. and i find it weird. he’s 38, big-boned and 6′ something.)
me: oo. di mo ba nakita kaninang umaga? nadaanan ko nga na nagseset-up pa sila.
c: talaga? anong mga tinda? nakita mo na ba?
m: hindi e.
[nearing the exit.]
c: ui, ang dami pala! (promise. uber excited sya.)
m: oo, andun sila sa buong sidewalk. kaya wala nang sidewalk. buti hindi umuulan kanina. (bakit nagagalit ako?)
c: hehe. titignan ko yan bukas.
[silence.]
c: parang may pera ano?
m: hehe. don’t say bad words.

ayun. wala kasi akong pera kaya naiinis ako sa mga tiangge na yan. lalo kong naramdaman na malapit na nga ang pasko. kasi wala na naman akong pambili ng mga regalo. hehe.

pagdaan naman namin sa may paskong pasiklab.
c: ui, bukas na ulit ang paskong pasiklab.
m: baka tinitest lang nila kung okay na yung lights para palitan kung may pundido na. sara pa yung gate e. (di ko alam kung kino-convince ko ang sarili ko na malayo pa ang pasko kaya hindi pa sila magbubukas. hehe.)
c: haha. pagdating ng pasko pundi na lahat yan.

naalala ko nung nagpunta kami dun last year. kami nina ice, kate at jaycee. masaya kami pero ayoko nang pumunta ulit. sumakay kami sa rollercoaster na mapapairit ka dahil baka magkalas-kalas yung tren habang nasa taas ka. as in. tapos sumakay din kami ng conquistador, na nagpapanggap na anchor’s away. promise parang mangangalas na. nangako akong magla-library na ako para sa thesis namin basta pababain lang ako ni lord nang buhay dun. hehe. well, to be fair, pinakamatino naman yun sa lahat ng peryang napuntahan ko nung bata pa ako. madalas na siguro ako sa ek kaya ganun ang reaction ko sa place. duh? hehe.

at ramdam ko na malapit na talaga ang pasko dahil madalas na naman akong magdrama at masenti. nakakamiss ang college days. lantern parade with blocmates. tagaytay kinabukasan.

* * *

to cy and kate: namimiss ko na chat” natin through e-mail.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s