bump, bump, bump (pasintabi sa b2k)

hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kaninang umaga, ang goal ng mga tao sa paligid ko e ang tabigin/bungguin ako.

alam kong normal lang ang tulakan sa mrt, pero maluwag naman kanina e! sa pila, bigla na lang akong inurungan ng isang mama habang ini-insert (for lack of a better term) nya yung ticket nya sa card slot. mag-backstep ba? basketball mode? grrr.

tapos nung papasok na sa train, kitang-kita namang maluwag pa. at madali lang naman sigurong makita at mabilang na tatlo lang kaming nakatapat sa door pero itinulak pa rin ako nung mama sa likuran ko! nakakabwiset talaga!

nung naglalakad naman ako sa sakayan ng jeep sa q.ave, mei isang babaeng bumangga sa’kin from behind. tumalsik (okay, oa, di naman talaga tumalsik, in a way lang.) ako sideways at napabangga sa isang by-stander. ang lola mo, matapos sirain ang aking poise (nagdress-up kaya ako dahil monthsy namin ngayon. 53rd. at magkasabay kaming lumuwas.) e tinignan lang ako from the corner of her eye at nagpatuloy sa paglalakad. ang goal lang pala nya e overtake-an ako. okay lang naman sa’kin yun; i’m not usually that competitive (unlike cy, hehe) kaya di na nya kailangang i-box-out ako!

baka di niya narealize na tumalsik ako dahil natabig nya ko. i shall check. pinaringgan ko. “sorry ha…” dead ma sya, mare. lalo pa siyang bumilis ng paglalakad. aba, kala nya di ko sya maaabutan? kaya in-overtake-an ko siya (pero di ko sya tinabig. i’m not that bad.) and told her, “hindi ka maganda.” as i passed by her. ang mature ko noh? hahaha. di naman nya ko sinabunutan. thank you, lord.

nung nakasakay na ko ng jeep saka ko narealize na tatlong beses na akong najojombag ng mga pipol. pero inisip ko na lang yung bus ride ko with kim. at sinabi ko sa sarili ko na walang pwedeng sumira ng araw ko dahil monthsary namin ngayon. last september 14 kase nasira araw ko. at ayoko nang maulit yun.

sige lang, pipol. bump me. at your own risk. hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s