m&m (muni-muni/mukmok)

may mga bagay na nade-delay lang… meron din namang dapat nang ma-expire…

matagal ko nang gustong matuto ng french. nasimulan ko na sana nung college. kundi lang ako nauto ng curriculum namin at di ako kumuha ng math 11. sabi kasi pre-req un ng econ. pero di naman pala. kaya hanggang ngayon, di ko pa din matanggap na ipinagpalit ko ang french 10 sa isang 7 a.m. math 11 class (na may regular quizzes before ng klase. not to mention na may carlos at quilop classes din ako that sem.) na i-penitition pa namin.

so after 10 years, naisipan kong bisitahin ang up site para malaman ko kung may chance na makapag-enrol ako next sem. medyo na-lost ako sa crs! well, isang beses ko lang naman naranasang i-enlist ang sarili ko e. sina cy, ice at kate ang madalas na nag-aayos ng sked ko. nasisisi ko pa tuloy sila pag mga “terror” profs ang nakukuha ko. hayy…. i miss college. nakakasenti…

sadyang maikli ang pasensya ko sa crs, kaya naisipan ko na lang i-check ang up account ko na 10 years ko na ding hindi nabubuksan. isa lang ang message sa inbox, galing kay cy. may two other folders, bispren at mahal, na may tig-2 messages din lang. binasa ko lahat ng messages. nasenti ako lalo. nakita ko kung pano nabago ang relationships ko sa tatlong tao matapos kong basahin yung messages nila sa akin.

why do happy memories make me sad? :(

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s