ironic (pasintabi kay alanis morissette)

isang kabalintunaan ang mundo. yung mga taong pinakamamahal mo, nasasaktan mo. ang mga bagay na pinakahahalagahan mo, nawawala. ang mga pagkakaibigan na pinakaiingatan mo, nasisira. yung mga pinakahihiling mo, hindi natutupad…

nagkita kami ni a isang gabi sa mcdo. nagkakwentuhan tungkol sa kolehiyo. kadamihan mga nakakatawang alaala. “nakakainis kang kasama; lahat naaalala mo!” sabi ni a habang hindi na halos makahinga sa kakatawa. naramdaman kong biglang nangilid ang mga luha sa aking mga mata…

tama si a, nakakainis. bakit lahat ng bagay naaalala ko? hanggang sa pinakamaliit na detalye. lahat naaalala ko. maaaring hindi naman lahat-lahat. minsan na din akong nasabihan ng boss ko na ulyanin na daw ako. nakakalimutan ko kung saan ko iniwan ang celfon ko. madalas nakakalimutan kong magsapatos. minsan na rin akong nakalimot magtoothbrush; nagkita pa naman kami ni b nun. pero kapag mga alaala na ang pag-uusapan, walang makakatalo sa long-term memory ko.

bakit nga ba napakalaking kabalintunaan ng mundo? bakit yung mga gustong makalimot, tulad ko, ang siyang madaling/magaling makaalala?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s