on hearts and long walks

past seven na ko nakaalis ng office kagabi. pero himalang hindi ako atat umuwi. wala naman kasing naghihintay sa’kin sa bahay. walang housemates na naghahanda ng kwento tungkol sa bocot na araw na nagdaan. walang magandang palabas sa TV na gustong abangan. walang readings na kailangang i-highlight at papers na dapat i-cram.

pagkababa ko ng jeep sa philcoa, bigla akong napatingala. uulan kaya ngayon? mukhang hindi. napangiti ako. hindi dahil hindi mababasa ang payong ko, kundi dahil right above the spot where i was, may hawi sa mga ulap na korteng puso. as in. nakaka-overwhelm. hehe. gusto ko ngang picture-an e. pero takot akong ma-snatch-an ng phone kaya tinignan ko na lang ng tinignan. puro ulap talaga except dun sa siwang na yun.

bigla ko tuloy namiss si kim. at narinig kong tumatawa si kate sa isip ko. there was this one night kasi na sabay kami napatingala ni kim, sabay turo sa mga stars at sabi ng “yun! heart!” napa-ahwww nga kami e. at pinagtawanan naman ako ni kate nung ikinuwento ko sa kanya ‘to.

naisip ko tuloy kung sabay din kaya naming nakita ni kim yun kung magkasama kami kagabi…

* * *

tuwing malapit na ako sa kamias, inisip ko kung saan ako bababa. kung sa may bandang red ribbon kasi, mas malayo ang lalakarin ko dahil madalas hindi sasakto ang tigil ng bus sa kanto; at dalawang street pa ang tatawiran ko. pero kung sa pagkatawid sa kanto ng kamuning, isang street lang ang tatawiran ko.

dati inis na inis ako pag dun sa una ako ibinababa ng bus. pero nitong mga nakaraang araw, kahit saan ako ibaba, ayos na sa’kin. naaappreciate ko yung paglalakad ko kahit puro polusyon ng edsa ang nalalanghap ko. minsan nga kahit malakas ang ulan, ayos lang kahit mabasa ako ng sobra. hindi ako nagmamadaling sumilong sa kung saanman pwede. iniisip ko na hindi ko kailangang magmadali dahil mabilis o mabagal man ang mga hakbang ko walang magbabago – parehas din lang ang patutunguhan ko.

bakit ba kasi ako magmamadali? e wala namang naghihintay sa’kin sa bahay. walang housemates na naghahanda ng kwento tungkol sa bocot na araw na nagdaan. walang magandang palabas sa TV na gustong abangan. walang readings na kailangang i-highlight at papers na dapat i-cram.

déjà vu.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s