sounding board

kailangan mag-blog na ako.
noon, may diary ako. kahit walang kwenta ang araw ko, nagsusulat ako tuwing gabi. mas madalas nga akong magsulat kapag walang kwenta ang araw ko e.
pero nung naging kami ni b, nawala ang hilig ko sa diary. lahat kasi ng nangyayari sa’kin at lahat ng mga naiisip ko, sinasabi ko na lang sa kanya kesa isulat sa diary.
kaso ngayon, madami na akong hindi masasabi sa kanya. pagod na daw kasi siya. naisip ko, pagod na din ako. pagod na kami pareho.
kaya kailangan ko na ulit ng diary. kaso ayoko na ding magsulat.
edi magblog.
sana pwede akong gumawa ng isa pang ‘ako.’ para kahit sabihin ko sa kanya yung mga di ko masasabi kay b, parang wala din akong ibang taong pinagsabihan. ako pa din ang tanging makakaalam.
bakit ko nga ba gustong sarilinin?
mahirap kasing magpaliwanag. alam mo ba yung pakiramdam na ikaw lang ang makakaintindi sa sarili mo? isa pa, ang hirap magkwento sa iba. naranasan mo na ba yung hindi ka pa tapos mag-isip tungkol sa isang bagay pero may iba ka na agad naiisip? yun bang nag-ooverlap na yung thoughts mo? at parang gusto mong mabaliw o magpakamatay na lang?
siguro iniisip mo, kawawa naman ako. ayos lang, naaawa na din naman kasi ako sa sarili ko. di ko nga alam kung bakit ako nagkaganito e.
malungkot ako.
yun lang sapat na para magself-assess ako at ireview kung ano nga ba ang vision-mission statement ko sa buhay (na di ko na sigurado kung nag-eexist in the first place).
hindi naman sa tinatanggalan ko ng karapatan ang sarili ko na malungkot. tao din naman ako. pero dati kasi kahit malungkot ako, naiisip ko na masaya pa rin ako… na maganda pa rin ang mundo.
pero ngayon, MALUNGKOT AKO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s